INDIEPUBCON 2021 is a five-day event featuring many discussions about writing and publishing that are not readily available to the public. This year’s keynote speaker is Nida Ramirez of Avenida Publishing, who gave a thorough unpacking of what it means to be a publisher.
The richness of her life experiences in publishing genuinely set the theme of what’s to come at INDIEPUBCON. Below is the transcript of her 11-minute speech during the first day of the INDIEPUBCON 2021.
Magandang araw ng Biyernes po sa inyong lahat. Isang napakalaking karangalan para sa akin na magbigay ng keynote speech para sa pagbubukas ng INDIEPUBCON 2021. Uunahin ko na ang isang masigabong pagbati sa mga organizers at sa mga kasaping indie publishers. Nakakabilib at talagang very inspiring ang mga nagagawa at magagawa pa ng TIPC, The Indie Publishers Collab Philippines. Napakagandang patunay ito na malayo ang nararating kapag nagbubuklod at nagkakaisa.
First time ko pong magdeliver ng speech, tapos keynote pa. Kaya nagpatulong ako kay Ronald Verzo ng Balangay kung ano ba dapat ang mga sasabihin ko. Ikuwento ko raw ang pagsisimula ko sa publishing, para magsilbing guide at inspirasyon sa mga kasaping independent publishers ng TIPC.
Sa totoo ay laging naiilang akong ikuwento ang pagsisimula ko sa publishing. Hindi naman kasi ito kuwento ng “pangarap na natupad”, o successful business story na may “ideal roadmap”, o yung mga tipong pang-business seminar.
Una na kasi, hindi ko naman talagang pinlano na maging publisher. Dala lang lahat ng pangangailangan. Ito ang naisip kong isa sa mga pwedeng solusyon sa tanong ng boss ko dati kung ano ang pwedeng gawin para tuloy-tuloy ang takbo ng mga makina ng imprenta, lalo pa at may pagka-seasonal ang mga trabaho namin. This was in 2000. That time, fan na fan naman ako ng Bobongpinoy website, at sinabi ni Bob Ong na gusto niyang maglabas ng libro. Ang talagang gustong ipagawa sa akin ng boss ko ay magazine na monthly, or weekly. Ang peg niya ay Reader’s Digest. Naku, di ko keri ang ganung kalaking sakit ng ulo! Kaya sabi ko sa kanila, tamang-tama na “sumubok” muna kami sa isang libro. At kapag ok ang naging resulta nito, gumawa ulit ng pangalawa; kung hindi naman ok, at least, di rin ganun kalaki ang magiging talo. Personally, win-win solution ito para sa akin, dahil at the same time, makakatrabaho ko ang idol ko. And the rest, as they say, is history.
Pangalawa (dahil may una kanina), hindi rin kasi ako ang tipo ng tao na mahilig magplano ng future niya. I either live the day, kapag ok ang mundo; or try to get through the day, kapag di gaanong matino. I deal with things as they come. I enjoy discovering things along the way, making mistakes, and learning from them. Hindi ko rin pangarap maging mayaman, maging Jack Ma, or magkaroon ng Fortune 100 company.
So gets niyo na kung bakit hindi ideal na pang-speech ang mga kuwento ng pagsisimula ko. Kumabaga sa manuscript proposal, hindi ito “marketable”, hindi “relatable” o “inspiring” man lang ang kuwento.
At dahil diyan, I will just share what I think are the principles or life lessons that worked for me in my publishing journey. Kapag may mga desisyong kailangang gawin o komplikadong problemang dapat ayusin, ang mga gabay na ito ang binabalikan ko. Hindi man sila exact solution, lagi at laging nakatutulong sila para gawing mas malinaw ang daan na dapat piliin.
Una na ang: there is no single way of doing something.
Bilang independent publisher, we tend to follow the “standard” set by our predecessors or the big publishers. At walang masama doon. May mga practices na subok nang epektibo. But at the same time, may mga sistema ding patuloy na nagbabago depende sa takbo ng mundo. Dapat bang nasa kilalang bookstores ka para maging legitimate author o publisher ka? Dapat bang nasa bestseller list ka nila para maging “made” ka? Dapat bang consignment ka lang palagi sa mga tindahan at maghintay na bayaran ka sa naibenta nila matapos ang tatlo, anim, o walong buwang paghihintay?
Iba na ang panahon ngayon. At ang mga pagbabago ay lalo pang pinaigting ng pinagdadaanan nating pandemya. The pre-covid world is ancient, ika nga. Sa kabila ng maraming pagdurusang dala ang pandemya, marami din itong binuksang opportunities para sa mga publishers gaya natin. Bahagi ng opportunities na ito ay ang pagbibigay sa atin ng lakas to stand on our own, makapagbenta directly sa mga mambabasa, at akuin ang mas malaking kita sa mga libro dahil dito. We are now our own bookstores. The better news is, alam na rin ito ng mga mambabasa. At matapos man ang pandemya, ang sistemang ito ay hindi na mawawala. Tandaan lang na patuloy tayong makiramdam, maging bukas at wag matakot sa mga pagbabago.
In terms of the types of books we publish, applicable din ito. Wag tayong basta magpakulong sa nakasanayan nang standards sa pag-uri ng mga kuwento. Unang-una sa pamantayan namin dati sa Visprint para sa mga tatanggaping kuwento ay kung nag-enjoy ba kaming basahin itong kuwento tungkol sa mga Pilipino. Regardless of genre, category, o format. May mga nagsabing kakaiba daw ang mga librong inilabas namin. Pero wala naman akong nakikitang kakaiba sa desisyong piliin ang mga librong gugustuhin ding basahin ng ibang tao. Tsaka na lang namin pinroblema kung saang category ba sasakto ang mga libro.
We are in the creative business. Let us be creative and innovative in finding our ways to succeed, in solving our problems, and in our business journey.
Another business principle I hold on to is to always engage in a “mutually beneficial transaction and relationship”.
Sa totoo, una ko itong nakita sa print costing letter na pinadadala ng Visprint sa mga kliyente nito para sa printing press: “We look forward to a mutually beneficial business relationship with you.” ‘Yan ang closing statement sa lahat ng sulat na ipinadadala. Tila ba pagpapaalala sa magkabilang panig na anuman ang maging transaksyon nila, dapat na pareho silang makinabang. Dapat na may bigayan, walang lamangan. Kapag may mga dapat pagdesisyunan, hindi lang ang pansariling kapakanan ang titingnan. Siguruhing ang tagumpay mo ay hindi ikapapahamak ng kabila. And through the years, the partners we have had the most successful businesses with are those who have been considerate of our situation, and those who we have extended considerations to. Dahil kapag bukas sa pagbibigayan ang dalawang partido, hindi lang kayo magkaramay sa paglutas ng problema, magkasalo din kayo sa tagumpay.
Ngayon sa Avenida, kailangan na naming magpaimprenta ng aming mga libro, di gaya dati sa Visprint na in-house ang printing. Isa ito sa mga bagong proseso na kailangan kong gawin sa pagsasarili ng publishing house. Nakakapanibago, at nakakanerbyos sa umpisa, ang kawalan ng malaking control sa production ng libro. May ilang imprenta kaming sinubukan, at sa ngayon ay mayroon na rin kaming suki. Hindi sila ang pinakamalaki o may pangalan, pero sila ang nakakuha ng aming tiwala dahil ramdam mo ang concern nila na mapagbuti ang kalidad ng libro. Excited sila kapag may gusto akong bagong subukan o gawin sa libro. Mas madali kasi para sa karamihan na sabihin lang na, “Di namin ginagawa yan” kaysa samahan kami sa paghahanap ng paraan.
Pinaka-applicable ang prinsipyong ito sa mga authors at komikeros na nakakatrabaho namin. Kung wala sila, wala kaming librong gagawin at pagkakakitaan. Walang negosyo. Mahalaga na may tiwala sila sa amin, hindi lang sa kakayahang mabuo at maibenta ang libro nila, kundi ang tiwala na pinapahalagahan namin sila, at kinikilala ang laki ng role, at the same time, ng responsibility nila, sa ugnayang ito. That way, we both exert our best in every book that we publish.
Sakop din nito ang pakikipagtransakyon sa iba’t ibang suppliers, designers, editors at ahensya. Hangga’t kakayanin, we try to give them what is due. Lagi nating ine-aim na maging global ang standard ng mga trabaho natin. Kaakibat ng pagtataas na ito ng kalidad ng ating produkto, kailangang itaas din natin ang respeto at pagkilala sa talent ng mga creative workers natin sa pamamagitan ng pagbabayad ng tama at on time sa kanila.
Kapag ramdam ng lahat ang kahalagahan nila, at ang lahat ay nakikinabang, mas marami tayong mapapagtagumpayan.
At ang pinakahuling pinaniniwalaan kong gabay ay “ok lang magtanong at humingi ng tulong.”
We were made to believe that everyone else with the same business as ours is a competitor. That by asking and seeking help, we become inferior. That helping other publishers will make them better than we are. Or that we’ll lose sales by doing so. Fake news po yan. It is ok to seek help and to give help.
Hindi lang iilang beses na may mga sistemang naituwid at naiayos sa ating industriya dahil may isang nagtanong o nagkuwestiyon ng kalakaran. Taxes, government procedure, o malakihang event man. One question will lead to discovering that it is actually a shared concern by most, if not all. At dahil doon ay nagkaroon ng pagkakaisang tugunan ito at ayusin. Mayroon at mayroong makikinig, sasagot, at tutulong.
Kaya nga ganun na lang ang tiwala ko sa kakayahan ng TIPC na palaguin ang mga independent publishers na kasapi nito. At higit pa rito, sigurado akong dahil sa pagbubuklod na ito, marami kayong mabubuksang mga bagong paraan at kakayahan, mga lumang sistemang maitatama o maiaayon sa pagbabago ng panahon, at maituturo sa mga matagal na at matanda na sa industriya ng publishing. Kayo ang bagong dugong dadaloy at lalong magpapanagana sa mga aklat ng Pilipino. Humayo kayo.
Maraming salamat po sa inyong lahat.